Rep. Garbin to DTI, NTC: Pagbibigay ng 300 Mbps internet connection ng PLDT kay Liza Soberano

“Sana all. Dapat all.”

Ito ang iginiit kahapon ni Ako Bicol Rep Alfredo Garbin sa naging aksyon ng PLDT na bigyan nito ng mabilis na internet connection ang aktres na si Liza Soberano kasunod ng inihaing reklamo nito sa mabagal na internet connection ng telecom service provider na Converge.

Nilinaw ni Garbin na walang masama si Soberano kung nabigyan man sya ng 300Mbps na internet connection subalit ang mali ay kaya pala ito ng PLDT na maibigay sa isang kilala na taon subalit bakit hindi sa lahat.

“Insulting, not amusing, and possibly illegal are the words I choose to describe the publicity stunt of PLDT involving Liza Soberano and her now infamous 300 Mbps internet connection” paliwanag ni Garbin.

Aniya, dapat ay celebrity status ang turing mg PLDT sa lahat ng customer nito at hindi.lamang kay Soberano.

Bunga nito, nais ni Garbin na kumilos ang DTI at NTC at magsagawa ng motu proprio initial investigations sa posibleng paglabag ng PLDT sa laws and regulations ng telecom services, consumer rights, Civil Code provisions on obligations and contracts at commercial law.

“The DTI Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection, I believe, should take the first crack at the possible consumer violations and unfair trade practices from the perspective of equal protection of our laws and for reasons of equity. Our laws on unfair trade practices may have also been violated, which DTI must investigate,” paliwanag ni Garbin.

Iginiit nito na sa panahong maraming Pinoy ang nangangapa sa new normal at marami ang umaasa sa mabilis na internet dahil sa work from home at online class ay pagpapakita ng pagiging insensitibo ang ginawa ng PLDT.

Malinaw umano sa principles of equity and equal protection na dapat ay may fair treatment at walang discrimination sa customer service.

Umaasa naman si Garbin na kikilos sa isyu amg DTI at NTC para hindi na panghimasukan ng Kongreso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.