Rep. Herrera nais patawan ng multa ang mga telco dahil sa internet service disruption

Pinakikilos ni Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera ang Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission, upang protektahan ang publiko mula sa internet service disruption ng mga telecommunication companies.

Ayon kay Herrera, nagkaroon ng kalituhan sa mga customers ang magkakaibang advisory ng mga kompanya hinggil sa isinasagawang maintenance activity ng submarine cable systems na Asia-America Gateway na magtatagal hanggang September 30.

Hinimok naman ni AKO BICOL Partylist Representative Alfredo Garbin Jr. ang naturang mga ahensya pati na ang Inter-Agency Task Force na atasan ang mga telecom firms, internet service companies, at holders ng legislative franchises para sa broadcast at telecoms ng labinglimang araw na notice bago ang ano mang aktibidad na magdudulot ng service interruption.

Aniya masyadong maikli ang abiso na ibinigay ng mga kumpanyang PLDT, Smart, Skycable, at Cignal TV na nagdulot ng pagkakansela ng online sessions.

Nais rin ng mambabatas na hainan ng show cause order ang naturang mga kompanya upang magbigay ng malinaw at detalyadong paliwanag.

Sakaling hindi katanggap-tangap ang paliwanag ay dapat na patawan ng administrative fines, penalties at iba pang sanctions ang mga ito at bigyan ng rebate ang mga subscribers.

Suportado naman ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena Niña Taduran ang panawagan ni Herrera na magkaroon ng imbestigasyon “in aid of legislation” sa mga internet service providers at telecommunication companies sa kapalpakan ng kanilang serbisyo.

Hindi aniya makatarungan ang mabagal o kawalan ng serbisyo kahit na tuloy-tuloy sa pagbabayad ng kanilang mataas na bill ang mga konsyumer.

Nais din ng mambabatas na isauli ng mga telecommunication companies na ito ang pera ng mga konsyumer na hindi nabigyan ng tamang serbisyo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.