Rep. Herrera sa iba pang PhilHeath execs, magbitiw na rin!

Matapos ang pagbibitiw nina Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales at Senior vice president for legal sector Rodolfo del Rosario Jr., hinamon ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep Bernadette Herrera ang iba pang mga matatas na opisyal ng ahensya na isinasangkot sa kontrobersiya na magbitiw na rin.

“We hope the resignations of PhilHealth president Morales and SVP Del Rosario will signal the start of an honest-to-goodness internal cleansing of the embattled state health insurer,” giit ni Herrera.

Ayon kay Herrera ang pagpapalit ng leadership at management sa Philhealth ay isang magandang senyales para makapagsimula muli ang ahensya lalo pa at malaki ang tungkulin nito sa Filipino para masiguro ang access sa kalidad na health care services.

“We call on other PhilHealth officials involved in irregularities to do the same and resign immediately to spare the agency from further damage.

The resignation of the entire PhilHealth management team will give the next set of officers “a free hand to institute urgent and much-needed reforms.” pagtatapos pa ng lady solon.

Ang pagbibitiw ni Morales bilang head ng Philhealth ay tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte subalit hindi pa rin umano ito ligtas sa mga kasong maaring isampa laban sa kanya habang kinumpirma ng Malacanang na naghahanap na ito ng kapalit ni Morales.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.