Rep. Herrera sa MERALCO customers, ituloy pa rin ang paghingi ng compensation bunsod ng naranasang bill shock

Hinimok ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera ang mga customer ng Manila Electric Company (MERALCO) na ituloy ang paghingi ng compensation mula sa naranasang bill shock noong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kasunod ito ng pagpapataw ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng multang P19-million laban sa MERALCO bunsod ng hindi pagpayag na mabayaran ng kanilang customer ng installment ang kanilang bill gayundin ang abiso na ang kanilang bayarin ay estimated lamang.

Ayon sa mambabatas, sa gobyerno naman mapupunta ang naturang multa at hindi pa rin makikinabang ang mga naagrabyadong customer ng MERALCO.

Kaya’t mungkahi nito sa mga MERALCO customer na ituloy lang ang pag-demand sa compensation lalo na kung sa tingin nila ay mababaw lamang ang naging parusa ng ERC sa MERALCO.

Punto pa ng kinatawan, kumpara sa mga negosyo na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic ay tila kumita pa umano ang MERALCO dahil sa overcharging nito sa mga consumers.

“As majority of businesses are taking a heavy beating, MERALCO is emerging as one of the big winners from the coronavirus pandemic.  But unfortunately, this is at the expense of its numerous customers who felt they were overcharged for their power consumption during the lockdown and taken advantage by MERALCO as they experience the worst public health crisis of this generation,” diin ng mambabatas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.