Rep. Herrera sa NBI at DOJ, hinimok na magtulungan ukol sa anomalya sa PhilHealth

Hinimok ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na magtulungan sa pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya sa PhilHealth.

Ayon sa mambabatas, habang ginagawa ng Kongreso ang kanilang oversight function sa katiwalian ng PhilHealth ay mainam ang pagsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ng DOJ at NBI partikular ang kanilang Cybercrime Division.

Posible aniya kasing binura ng ahensya ang mga kinakailangang files o ebidensya na magpapatunay sa mga alegasyon laban sa kanila kaya dapat lamang na kumilos ang DOJ at NBI dito.

Kung matatandaan noong nakaraang taon ay nakaladkad din ang PhilHealth sa P154 Billion fraud dahil sa overpayments.

Kahapon ay inatasan na mismo ng Pangulong Duterte ang DOJ na bumuo ng isang task force na magsasagawa ng imbestigasyon sa PhilHealth gayundin ang pag-audit sa finances ng ahensya at pagsasailalim sa lifestyle check ng mga opisyal at empleyado nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.