Rep. Jun Datol nais nang buwagin ang LTFRB

Bumabalangkas na ng isang panukalang batas si Senior Citizen Partylist Rep. Jun Datol para buwagin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito aniya ay dahil sa kawalang puso ng mga nangangasiwa sa naturang tanggapan.

Sa isinagawang virtual hearing ng House Committee on Metro Manila Development, kung saan tinalakay ang patuloy na problema sa transportasyon sa gitna ng community quarantine, nadismaya ang mga mambabatas dahil sa patuloy na kawalang katiyakan kung kailan makakapasada ang mga traditional na jeep.

Ayon kay Datol, tila puro salita at pangako lamang ang LTFRB, na papayagan na ang mga tradisyunal na jeep kasama ang mga UV express na makabiyahe, ngunit hanggang sa ngayno ay hindi pa aniya ito nakakapasada.

Dahil dito, mas mabuti aniya na buwagin na lamang ang LTFRB at isailalim ang pagkuha ng prangkisa ng mga public transportation sa Kongreso, sa ilalim ng Committee on Legislative Franchise.

Ayon naman kay LTFRB Chair Martin Delgra, target nilang mapahintulutang makapamasada na ang mga traditional na jeep at UV express sa susunod na linggo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.