Rep. Lord Allan Velasco, uupo bilang House Speaker simula sa Oktubre 14

Posibleng uupo bilang House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco simula sa Oktubre 14 ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ng kampo ni Velasco na kasama sa pagpupulong sa Malacañang kagabi.

Ito umano ang napagkasunduan sa ginawang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagitan ng kampo nina Lord Allan Velasco at House Speaker Alan Peter Cayetano.

Matatandaan na nitong nakaraang araw ay ipinatawag ng pangulo sa Malacañang ang magkabilang panig para maresolba ang term-sharing deal sa pagiging House Speaker.

Una namang sinabi ng PDP- Laban na ang pag-upo ni Velasco bilang speaker ay magiging tanda na ruling party ang PDP.

Tanda rin ito na kayang pangunahan ng ruling party ang legislative department bilang si Pangulong Duterte ang chairman ng partido.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.