Rep. Lray Villafuerte: Mga malalayong lugar, dapat unahing makabitan ng internet

Pinatitiyak ni Deputy Speaker Lray Villafuerte na unahin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mabigyan o makabitan ng internet connectivity ang mga malalayong.

Sa pagsisimula ng budget hearing ng DICT, binigyang diin ni Villafuerte na mahalaga na unahin ang malalayong lugar para sa National Broadband Program dahil tiyak na hindi ito bibigyang prayoridad ng mga private telecommunication companies.

Pagtitiyak naman ni DICT Assistant Secretary Manny Caintic na sakaling mapagbigyan ang hiling na P17.2-billion na pondo ay mabilis nilang mailalatag ang NBP sa loob na siyam na buwan.

Hinimok naman nito ang mga probinsya na dadaanan ng cable ng NBP na simulan na ang pagbuo ng isang provincial broadband network upang mabilis na lang silang maka-tap sa linya.

Kabilang sa mga daraanan ng phase 1 ng NBP ay ang Tarlac, Pangasinan, Zambales, at Bataan.

Kasabay naman nito ay umapela rin si Caintic na ma-aprubahan ang P2.7-billion na pondo at maibalik ang inalis na P3-billion para sa pagpapatupad naman ng free WiFi sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA.

Paliwanag ni Caintic na sa kabila ng nakaambang national broadband program ay kailangan na ngayon ng mga GIDA ng internet connection lalo na para sa pagpapatupad ng blended at online learning ng mag-aaral.

Batay sa kanilang pagtaya, binubuo ng 30% ng mga GIDA ang kabuuang 40,000 na barangay sa buong bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.