Rep. Lucy Torres-Gomez, hindi pabor na alisan ng pondo ang NTF-ELCAC

Naniniwala si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez na hindi ang pag-aalis sa pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang tamang tugon sa isyu ng red-tagging.

Ayon sa mambabatas, kung aalisan ng pondo ang NTF-ELCAC ay masasayang ang effort ng pamahalaan sa pagsugpo sa insurgency.

Marami aniyang dating rebelde ang umaasa sa Barangagy Development Plan upang makapagsimula muli ng bagong buhay na malaki ang ambag para makamit ang kapayapaan sa kanayunan.

Bagamat sang-ayon si Gomez na panagutin ang mga opisyal na sangkot sa maling pag-aakusa, hinimok nito ang mga kasamahan sa kongreso na maging rational at maghinay-hinay din sa mga hakbang.

“While I strongly agree that public officials should be held accountable for their actions and statements, let us take rational actions that will not jeopardize localized programs to end insurgency. This is a time that calls for calm and sound leadership. Let us steer away from drastic actions. Let us all work together to keep our boat afloat during this turbulent time.” saad ni Gomez

Una naman nang sinabi ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na “knee-jerk reaction” ang mga panawagan na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC.

Ang budget aniya kasi ng NTF-ELCAC na inaprubahan ng Kongreso ay para sa pakinabang ng 800 malalayong barangay na dating hindi naaabot ng gobyerno.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.