Rep Lucy Torres, Takot sa pang-aabuso, ‘hindi rason upang tanggihan ang anti-terror bill’

Dinipensahan ni Leyte Representative Lucy Torres-Gomez ang kontrobersiyal na anti-terrorism bill, at sinabing hindi “valid” na rason ang pangamba sa pang-aabuso upang agad itong tanggihan.

Sinabi ni Torres-Gomez na “not unfounded” ang pangamba ng mga kritiko na maaabuso ang anti-terror bill sa oras na maging batas na ito.

Dagdag niya na ilang mga batas, kahit pa ang mga “benign” at “charitable” ay naabuso rin, at hindi lamang sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“But fear of abuse is not a valid reason to reject a bill outright. It’s not a valid reason to reject needed legislation like the anti-terrorism bill,” ani Torres-Gomez sa isang panayam.

“That is why there are safeguards in place to prevent those abuses from happening,” dagdag pa niya.

Pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang bagong anti-terrorism bill makaraang aprubahan ito ng Kongreso bago ito mag-sine die adjournment kamakailan.

Subalit, marami ang nangangamba na maaaring gamitin ang panukalang batas upang targetin ang mga indibidwal na nagpapahayag ng pagtutol sa pamahalaan.

Sinabi ni Torres-Gomez na mahalagang basahin ang panukala “with the right target in mind.”

“This is a bill aimed to bring terrorists to justice. This isn’t about making life difficult for activists,” saad nito.

“When we muddle the bill and lump all the other crimes for fear that it will be also tagged as a crime of terrorism, that’s where all the confusion happens,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Torres-Gomez na kailangang timbangin kung anong banta ang mas mabigat sa tao: ang banta ng maling pag-aresto o ang banta ng terror attack na maaaring maganap.

“Not that I prefer [wrongful arrest]. I’m just saying that if wrongful arrest does happen, that person has legal recourse. But when a terror attack has been carried out, the damage is irreversible,” saad niya.

Upang pawiin ang pangambang maabuso ito ng mga awtoridad, minamandato ang Commission on Human Rights (CHR) na sabihan sa kaso ng pagkulong sa isang hinihihinalang terorista.

Ayon kay Pangulong Duterte, nire-rebyu pa ng kanyang legal team ang anti-terrorism bill.

“My legal (team) is still reviewing it… Hindi ko pa natanggap. I had it reviewed. It’s always automatic. ‘Pag naano sa’kin, I endorse it to legal, without even reading it actually… It’s legal who will return it to me with the recommendation if I will approve it or not,” pahayag nito sa kanyang televised address.

Nauna nito, sinabi ng Malakanyang na “inclined” ang Pangulo na pirmahan ang anti-terrorism bill.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.