Rep. Marcoleta, pina-iimbestigahan ang titulo ng ABS-CBN sa Mother Ignacia, Quezon City

Nagpasa na ng resolusyon si Deputy Speaker Rodante Marcoleta para maimbestigahan ang titulo ng lupa na kinatitirikan ng ABS-CBN compound sa Mother Ignacia, Quezon City.

Sa House Resolution No. 1058, sinaad ni Marcoleta ang kanyang mga dahilan kung bakit dapat mapasakamay ng gobyerno ang lupa ng ABS-CBN.

Aniya, ang titulo umano na nakuha ng ABS-CBN ay iba ang technical description, lokasyon at area sa kanilang headquarters sa Mother Ignacia.

Saad ni Marcoleta, ang kanilang titulo ay nag-originate sa isang lupa na nasa Barangay Nagkaisang Nayon, na may land area lamang na 42 square meters.

Dahil dito’y nais ipasilip sa komite ng Kongreso ang nasabing titulo ng lupa, na aniya’y pag-aari dapat ng gobyerno.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.