Rep. Mike Defensor nawalan nanaman ng pwesto sa Kamara

Binawi kay Anakalusugan partylist Representative Mike Defensor ang kayang pwesto bilang vice chairperson ng House committee on legislative franchises nitong Miyerkoles.

Si Defensor, na kilalang kakampi ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ay pinalitan ni Zamboanga Sibugay Representative Wilter “Sharky” Palma.

Ang Committee on Legislative Franchises ay siyang humahawak sa pagbibigay, pag-aamyenda, ekstensyon, maging ay pagbawi ng prangkisa.

Si Palawan Representative Franz Alvarez ang chairman nito.

Noong Disyembre nang mawala rin kay Defensor ang pangunguna sa Committee on Public Accounts. Nawala rin sa kanyang ang vice chairmanship sa limang House panels nang maluklok si Speaker Lord Allan Velasco sa Kamara.

Nawala naman kauy Palma ang kanyang Deputy Majority Leader post na pinalitan ni Iloilo Representative Lorenz Defensor.

Pinalitan din si Quezon City Representative Anthony Peter Crisologo niPalawan Representative Gil Acosta bilang Assistant Majority Leader. Si Crisologo ay ang vice chairperson na ng Committee of Games and Amusements.

Naging miyembro rin si Duterte Youth partylist Representative Ducielle Cardema ng Committee on Appropriations habang si COOP-NATCCO partylist Representative Sabiano Canama ay nakasama sa Committee on Cooperatives Development.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.