Rep Mike Defensor, Pagbebenta ng ABS-CBN ng PDRs sa mga dayuhan, iligal

Malinaw na paglabag umano sa batas ang pagbebenta ng Philippine Depository Receipts ng ABS-CBN sa mga dayuhan.

Ito ang ginawang pagtatapos na pahayag ni ANAKALUSUGAN Rep. Mike Defensor pagkatapos ng kaniyang presentasyon ukol sa isyu ng PDRs.

Kasabay ng kaniyang pag-absuwelto sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay sinabi ng kongresista na malinaw na ang PDRs ay kinasangkapan upang maitago aniya sa ilalim ng papel kung paano magmamay-ari ang isang dayuhan.

Naniniwala si Defensor na ang pagbebenta sa PDRs sa mga dayuhan ay hindi inilantad sa SEC dahil ito ay hindi naman direktang konektado sa ABS-CBN Corporation kungdi ito ay pinadadaan pa sa ABS-CBN Holdings na siyang nagbebenta ng PDRs.

“Walang pananagutan ang SEC sa ginawa ng ABS-CBN na pagbebenta ng PDRs sa mga dayuhan,” ani Defensor dahil ang kita aniya ng bawat share ay hindi pupunta sa ABS Holdngs kungdi sa PDRs holders.

Tinutulan naman ito ni Atty. Cynthia del Castillo ng ABS-CBN sa pagsasabing sa simula pa lamang ay inilahad na nila sa SEC ang gagawing bentahan ng PDRs sa mga dayuhan.

Tinukoy din nito ang pagbabawal na magkaroon ng kaugnayan ang mga dayuhan sa mass media na siyang nakapaloob sa Foreign Investment Act.

Naniniwala rin si Defensor na ang sistemang ito ng ABS-CBN ay may anti-dummy component at malinaw aniyang paglabag sa konstitusyon ng Pilipinas.

Tumuloy ang joint hearing ng House Commmittee on Legislative Franchises at House committee on Public Order and Accountability sa pagtalakay ukol sa iba pang paglabag ng ABS-CBN sa batas ng pagmamay-ari sa mass media matapos matalakay ang citizenship ni Chairman Emiritus Gabby Lopez at isyu ng PDRs.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.