Pagbuo ng OFW sovereign fund, aprubado sa komite sa Kamara -Rep. Paduano

Lusot na sa Committee on Overseas Workers Affairs ang substitute bill na naglalayong bumuo ng isang Overseas Filipino Workers (OFW) Sovereign Fund.

Ayon kay ABANG LINGKOD Partylist Rep. Joseph Stephen Paduano isa sa mga may-akda ng panukala, layon nitong hikayatin ang mga OFW na ilaan ang bahagi ng kanilang kita sa pamahalaan sa pamamagitan ng remittance na siyang gagamiting pecial fund para sa OFW Sovereign Fund.

Umaasa rin ang mambabatas sa agaran nitong pagsasabatas upang matulungan ang mga OFWs na makapag-impok ng bahagi ng kanilang kita lalo na sa panahon ng pandemya tulad na lamang nitong COVID-19.

Makatutulong rin ang naturang OFW Sovereign Fund sa bansa dahil bahagi nito ay maaaring ilalaan sa mga mahahalagang proyekto at programa ng gobyerno sa kapakinabangan ng mga OFWs.

Magiging tax exempted naman ang interest income at iba pang kita mula sa investment sa ilalim ng OFW Sovereign Fund.

Batay sa panukala, magiging bahagi ng “OFW Sovereign Fund Act” ang lahat ng OFW at mga dating OFW, maging land-based and sea-based, at mga miyembro ng kanilang pamilya tulad ng magulang, asawa at mga anak.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.