Rep. Quimbo, Itinutulak ang pag-sasapribado ng Philhealth

Isang panukalang batas ang inihain ni Marikina Representative Stella Quimbo, na naglalayong isaprribado na ang PhilHealth bunsod na rin ng mga katiwaliang kinakaharap ng institusyon.

Sa ilalim ng kanyang House Bill 7429 o Social Health Insurance Crisis Act, bibigyang ng kapangyarihan ang Pangulo na i-privatize ang buong PhilHealth o ang ilang segments nito.

Binibigyan din ng kapangyarihan ang Pangulo na bumuwag o bumuo ng opisina sa PhilHealth, maglipat ng tungkulin, magtaas ng sahod kung nararapat, magpatupad ng mga polisiya upang makatipid at iba pang mga paraan na magpapahusay sa sistema ng social health insurance para sa mga Pilipino.

Bubuo rin ng isang Executive-Legislative Social Health Insurance Crisis Commission na siyang magsasagawa ng pagsa-saayos sa loob ng korporasyon.

Inirerekomenda din ang pagbuo ng Transition Management Team sa pagitan ng private corporation o management consultancy firm na siyang magpapatupad ng national insurance program salig sa Universal Health Care Law.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.