Rep. Robert Ace Barbers, umaasang makakahanap ng kapalit na Health secretary ang Pangulong Duterte

Umaasa si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na sa lalong madaling panahon ay makahanap si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang competent official na papalit kay Health Secretary Francisco Duque III upang maibalik ang nawalang kredibilidad ng ahensya.

Ito’y matapos ang pahayag ng kalihim na nag-flatten na ang curve o bumaba na ang kaso ng COVID-19 mula pa noong Abril.

Tinawag na ‘big joke’ ni Barbers ang naturang pahayag ni Duque at sinabi na ito ang dahilan kaya nalalagay sa panganib ang bansa sa gitna ng pandemya.

Punto nito upang maka-survive sa global health crisis ay kinakailangan ng bansa ng isang maaasahang gabay mula sa secretary.

Ngunit sa ilalim ng pamumuno ni Duque ay nawalan na ng kredibilidad ang DOH dahil sa kanyang mga pahayag na walang batayan, kontra sa mga facts at kadalasang pinapasinungalingan o itinatanggi ng kanyang mga kapwa kalihim at opisyal sa pamahalaan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.