Rep. Ruth Mariano-Hernandez, Taas-sweldo para sa mga government doctors at nurses, ipinapanukala sa Kamara

Ipinapanukala ni Laguna Representative Ruth Mariano-Hernandez na itaas ang sweldo ng mga government doctors ng hanggang P85,000 at P36,000 para sa mga government nurses.

Sa Ilalim ng inihain niyang House Bill 7053, mula sa entry level na Salary Grade 21 ng mga government doctors ay itataas ito sa Salary Grade 24 (P59,353 – P85,074) habang mula sa Salary Grade level 11 ay itataas sa Salary Grade 16 (P22,316 – P35,106) ang para sa mga entry level na government nurses.

Ipinunto ng mambabatas na ang taas-sweldo ay upang patuloy na mapalakas ang local health care system sa gitna ng COVID-19.

Aniya kung hindi pa tumama ang pandemya ay hindi rin mabibigyang pansin ang kahalagahan ng ating mga health care workers.

Nakapaloob din sa panukala ni Hernandez ang pagbibigay ng P5,000 na monthly hazard allowance na exempted sa tax; allowance na P75 kada meal; P500 laundry at clothing allowance; rice subsidy allowance na P1,250; special longevity pay na katumbas ng isang buwang sweldo kada 10 taon ng serbisyo; special risk allowance na 25% ng monthly basic salary.

Ipinapanukala rin ng mambabatas na mabigyan ang mga ito ng P100,000 na compensation kung sila ay magkasakit habang sila ay naka-duty at P1-million naman kung sila ay masasawi sa gitna ng kanilang pagseserbisyo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.