Rep. Salceda, inumungkahi na gamitin ang Satellite Technology para mapalakas ang internet connection sa mga malalayong lugar

Isinusulong ni House Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda ang palawakin ang paggamit sa satellite technology.

Ito aniya ay upang mapalakas ang internet connectivity sa mga malalayong lugar at mapalago din ang regional economy.

Sa ilalim ng kanyang Satellite-Based Technologies Promotion Act of 2020, ay aamiyendahan ang restrictions sa paggamit ng satellite technology sa ilalim ng Executive Order 467 kung saan tanging mga telecom companies lamang ang nakakagamit.

Bunsod nito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga internet service providers at value-added services providers na mag-operate ng kanilang sariling network gamit ang satellite technology.

Sa paraang ito, mas lalawak ang kompetisyon na magpapababa naman ng internet cost.

Ayon kay Salceda, bunsod ng COVID-19 pandemic ay mas lalong nakita ang kinakailangang improvement sa internet connectivity ng bansa.

Maaari ring aniyang gamitin ang satellite based learning bilang alternative mode ng distance learning.

May kakayanan na rin kasi ang satellite based internet tulad ng fiber based systems na makapagbigay ng sing-bilis na internet speed.

Kailangan lamang aniya na tumukoy ng hub kung saan magkakabit ng “very small aperture terminals” na magagamit sa distribusyon ng bandwith sa mga public schools at community centers sa rural at remote areas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.