Rep. Salceda sa Senado: Ilang paghihirap at kalamidad pa ba ang kailangan bago ipasa ang Department of Disaster Resilience o DDR

Panibagong “wake up call” sa gobyerno ang pagkamatay ng 20 katao sa Bicol na biktima ng Bagyong Rolly, ilan pang buhay ang kailangan na masakripisyo bago umakto ang Senado at ipasa ang kinakailangang Department of Disaster Resilience (DDR).

Ito ang tanong ni Albay Rep Joey Salceda sa Senado sa harap na rin ng patuloy nitong pagtutol na ipasa ang DDR na una nang sinertipika bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address(SONA) at naipasa na rin sa House of Representatives sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Salceda na “fact of life” ang kalamidad sa Pilipinas, may mga aktibong bulkan ang bansa, mas marami at malalakas na bagyo ang pumapasok kada taon at dinagdagan pa ng climate change, ani Salceda,ang lahat ng epekto nito ay kayang mabawasan kung mayroong isang full-time agency na syang tutugon at maghahanda sa oras ng kalamidad.

“Fortune favors the prepared. We cannot avoid typhoons and other calamities that come with our geography, but we can keep the risks low and the damage controlled. That is resilience: being able to achieve meaningful progress despite natural and external adversities The DDR will be the primary agency responsible, accountable, and liable for leading, managing, and organizing national efforts to prevent and reduce disaster risks; prepare for and respond to disasters; and recover, rehabilitate and build forward better after the destruction,”paliwanag ni Salceda.

“How much human sufferings do we have to endure before we pass the vital DDR Act?”dagdag pa nito.

Una nang ikinatwiran nina Sen. Panfilo Lacson at Dick Gordon ang kawalan ng pondo kaya hindi dapat nang aprubahn ang DDR subalit dinepensahan ito ni Salceda, aniya, hindi dapat maging balakid ang pondo sa pagbuo ng mga makabuluhang polisya dahil maari itong hanapan ng Kamara.

“if the problem is the funding, it is the mandate of the government to look for the budget for the department”pahayag ni Salceda.

Una nang binigyang kasiguruhan ni Salceda sina Lacson at Gordon na hahanapan ng Kamara ng pondo ang pagbuo ng DDR,aniya, ang kanyang komite na Committee on Ways and Means ay patuloy na naghahanap ng dagdag pondo para sa national government sa pamamagitan ng ipinapasang tax policy reforms.

“We can be efficient in funding the DDR. We can find the funds for the new agency. But, if the problem is funding, then let’s find the funding, and not deny the problem,” nauna nang pagdepensa ni Salceda.

Taong 2010 nang ipasa ng Kongreso ang landmark legislation para sa disaster-risk reduction and management Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (DRRM Act), bagamat nakatugon ito sa nagdaang mga kalamidad ngunit tumama sa bansa ang Supertyphoon Yolanda noong 2013 ay nakita ang kahinaan nito padating sa koordinasyon at pagpapatupad ng large scale disaster-risk reduction and management efforts kaya iminungkahi ni Pangulong Duterte sa Kongreso ang pagtatag ng DDR para mayroong bagong tanggapan na makakatugon ng mabilis sa panahon ng kalamidad.

Hindi lamang simpleng ahensya ang DDR dahil sa oras na maisabatas ang Disaster Resilience Act ay tutugunan nito ang lahat ng paghahanda at rehabilitative efforts sa lahat ng uri ng natural hazards kabilang na dito ang Geological Phenomena gaya ng earthquake, volcanic activity, Hydrological, Oceanographic at Meteorological Phenomena, Climate Variability/Change gaya ng El Nino/El Nina, mga bagyo at pagpapatayo ng mga LGUs ng permanent evacuation center na nakaporma alinsunud sa standards ng United Nations Humanitarian Charter and Minimum Standards in Humanitarian Response.

Sa termino ni Cayetano bilang House Speaker natutukan ang pagpasa ng DDR alinsunud na rin sa direktiba ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA subalit nanatili pa rin itong nakabinbin sa Senado, una nang iginiit ng mga mambabatas na panahon na para magkaroon ng isang departamento na mangangasiwa sa disaster response at hindi isang council lamang gaya ng NDRMMC.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.