Rep. Sara Elago nanawagan na ibalik ang peace talks, binatikos ng DILG

Binatikos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paggamit ni Kabataan Party-list Representative Sara Elago sa pagkamatay ni Far Eastern University (FEU) football player Keith Absalon upang ipanawagan ang pagbabalik ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa isang pahayag, tinawag ng DILG na “distasteful” at “repulsive” ang panawagan ng kongresista.

Ayon kay DILG undersecretary at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF Elcac) Spokesperson Jonathan Malaya, patunay lamang ito na hindi interesado si Elago at kanyang mga kasamahan na panagutin ang NPA na pumatay sa atleta.

Sa halip aniya ay interesado lamang ang mga ito na gamitin ang pagkamatay ni Absalon para sa propaganda purposes para pilitin ang pamahalaan na bumalik sa negotiation table kung saan maari silang makakuha ng concessions habang nagpapatuloy ang kanilang terror attacks laban sa mga tao.

Hinamon din ni Malaya si Elago at liderato ng NDF at kanilang mga kaalyado na kunin ang responsibilidad sa senseless murders.

Matatandaang nasawi si Absalon at isa pa niyang kamag-anak matapos ang pagpapasabog at pag-ambush ng koministang terorista sa masbate noong linggo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.