Rep. Suansing, Utang ng Pilipinas aabot na sa P13.6T

Sinabi ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing, sponsor ng budget para sa Department of Finance, na aabot sa P13.6 trilyon ang utang na pambansa ng Pilipinas at katumbas ito ng 59.9 porsyento ng Gross Domestic Product.

Ayon naman kay House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, may P9.6T na utang nitong Agosto at maaaring aabot umano sa P10T sa katapusan ng taon.

Ngunit nagulat ito sa tinuran ni Suansing na mas malala pa ang sitwasyon dahil malaki ang ipagkakaiba ng utang sa nakaraang taon na katumbas ng 39.6% ng GDP.

Dahil sa problema, iminungkahi ni Zarate na hihiling ang Pilipinas ng pagluluwag sa pautang mula sa World Bank at iba pa ngunit sinalag ito ni Suansing sa pagsasabing makasasama ito sa magandang larawan ng bansa sa mga nagpapautang at makasasama sa pagpuno ng kakulangan sa badyet.

Sinabi naman ni Zarate na pag-alis ni Pangulong Rodrigo Duterte, lubog na sa utang ang bansa.

Inungkat naman ni Gabriela Rep. Arlene Brosas kay Suansing ang utang ng bansa sa China na napag-alamang P37 billion hanggang noong Hunyo 5, 2020 at nakalaaan ito sa laban sa pandemyang coronavirus disease-19 subalit sa Mayo 15, 2032 pa magsisimula ang pagbabayad dito.

Samantala, may $250 milyon naman para sa Build, Build, Build project na mula pa rin sa China.

Lumabas namang 5% lang ang katumbas ng kabuuang utang ng bansa sa China ng kabuuang halaga ng mga may hawak ng government securities.

Napag-alaman namang nasa P479 billion ang kabuuang panlabas ng utang ng Pilipinas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.