Rep. Velasco ihahalal ng kanyang mga kaalyado ngayong araw bilang House Speaker

Sa kabila ng suspensyon ng sesyon sa Kamara, magtitipon-tipon ngayong araw ang mga kaalyado ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco at iluluklok ito bilang syang House Speaker kapalit ng tapos nang termino ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa ipinalabas na manifesto ng mga kaalyado ni Velasco ay sinasabing 187 mambaatas ang supporters na nito at handa nilang ideklarang bakante ang posisyon bilang Hosue Speaker para bigyang daan ang pag-upo ng bagong Speaker.

Sa kabuuan ay 299 ang miyembro ng Kamara.

“In accordance with Section 13, Rule 3 of the Rules of the House of Representatives, of the 18th Congress, we call to assemble, move to and cast our vote to declare the position of Speaker VACANT on Monday, October 12, 2020.Further, also in accordance with the same Section, we will move to and cast our vote to declare Representative Lord Allan Velasco of Marinduque as Speaker of the House of Representatives of the 18th Congress,” nakasaad sa manifesto.

Matatandaan na kinansela ang sesyon ng Kamara hanggang Nobyembre 16 subalit nagtakda si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng special sessions a Oktubre 13.

Sinabi ni Valenzuela City Rep Eric Martinez na ang pagtitipon tipon ng mga supporters ni Velasco at gagawin sa isang events place sa Quezon City.

NO SESSION

Nilinaw naman ni House Secretary General Jose Luis Montales na walang magaganap na sesyon sa Kamara ngayong araw, October 12 kaya naman hindi maaring maideklarang bakante ang posisyon bilang House Speaker.

Kinumpirma din nito na dahil walang sesyon ang Kamara ay wala ding kuryente at walang internet sa Batasan Complex.

“Power in the Plenary Hall is turned off because there’s no session today. Same with Internet, which is given to other offices that are open.Session is suspended and will resume tomorrow at 3 p.m in accordance with President Rodrigo Duterte’s call for a special session of Congress to resume the plenary deliberations on the 2021 budget”paliwanag ni Montales.

NO OFFICIAL MACE

Sinabi naman ni House Sergeant at Arms Ramon Apolinario na ang mace na nakadisplay sa events place sa Quezon City kung saan magtitipon tipon ang mga kaalyado ni Velasco ay official mace ng House of Representatives.

“I am in custody of the official mace of the House of Representatives. That is not the Official mace,” paliwanag ni Apolinario.

Ipinaliwanag ni Montales na ang tanging opisyal na mace na ginagamit ng Kamara ay nasa pangangalaga ng House Sergeant-at-Arms.

Ang nasabing mace ay simbolo ng authority ng Kamara na inilalagay sa harap ng Speaker’s rostrum kapag ang Kamara ay nasa sesyon.

Dahil hindi umano nakasesyon ang Kamara at walang mace ay nangangahulugan na anumang pagtitipon ay hindi kikilalanin bilang opisyal at legal na kautusan kaya hindi maaring ipatupad.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.