Rep. Velasco, pinaalalahanan si Speaker Cayetano na ipasa ang budget sa Oct. 14 at tuparin ang kanilang palitan

Inilahad na rin ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco ang kanyang panig hinggil sa speakership issue.

Ayon kay Velasco, naniniwala at kaisa naman siya na dapat ay maipasa ang budget on time ngunit hindi ito dapat ginagamit na dahilan para manatili sa pwesto.

Aniya, simula nang magkaroon ng kasunduan para sa term sharing noong 2019 ay pinanghawakan na niya ito at handa niyang sundin.

Hindi tuloy aniya maiiwasang magsuspetya ang ilan sa kung bakit pinipilit pa rin umano ni Cayetano na manatili sa pagiging lider ng Kamara hanggang sa Disyembre.

Kasabay nito ay humingi ng paumanhin ang Marinduque solon kay Pangulong Rodrigo Duterte na sa kabila nang pamamagitan sa isyu ay hindi pa rin nasunod ang payo nito.

Humiling din ng pang-unawa si Velasco sa publiko dahil aniya sa nakakahiyang asal ng pangyayari na kinasasangkutan ngayon ng kanilang mga kinatawan.

Pinaalalahanan naman nito si Cayetano na tuparin ang pangako na ipapasa ang 2021 proposed national budget sa October 14 at bumaba rin sa pwesto bilang pagkilala sa term sharing agreement.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.