Rep. Villafuerte, iminungkahing gamitin ang Frequency ng ABS-CBN para sa distance learning

Naghain si Deputy Speaker LRay Villafuerte na isang resolusyon para magamit ng gobyerno ang dating radio and TV frequencies ng ABS-CBN para sa alternative distance learning platforms ngayong pasukan.

Sa ilalim ng House Resolution No. 1044 ni Villafuerte, nakasaad na ipagamit muna ang mga nabakanteng frequencies para mapakinabangan sa pagtugon sa epekto ng COVID-19 partikular sa sektor ng edukasyon.

Dagdag pa nito na ang dating frequency ng ABS-CBN ay higit na makatutulong sa mga lugar na hindi pa naaabot ng digital infrastructure tulad na lamang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARRM.

Bukod dito, maaari rin aniyang gamitin ang mga unused frequencies para sa COVID-19 prevention and control pati na sa risk reduction and preparedness tuwing may kalamidad.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.