Rep. Zarate, pinamamadali na ang audit ng ERC sa Meralco

Tinawag na ‘anti-poor’ ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Representative Carlos Zarate, ang pagtanggi ng Meralco na ipatupad ang P200 million na halaga ng relief para sa lifeline electricity users.

Ayon sa mambabatas, barya lang ang P200 million sa Meralco na dapat ay ibigay sa mga lifeline user.

Kung tutuusin, dapat pa nga aniya ay malibre ng kahit isang buwan ang lahat ng consumers ng Meralco, dahil sa pandemya pero ayaw din nilang pumayag.

Bunsod nito, ay kinalampag ni Zarate ang Energy Regulatory Commission o ERC na i-expedite o bilisan ang isinasagawa nitong audit sa naturang power distributor, upang matukoy kung mayroon ngang sobrang recoveries sa mga nagdaang taon ang kompanya

Sa nagdaang budget hearing ng Commission on Audit (COA), ay ipinunto ni Zarate na noong 2003 sa tulong ng COA, ay naatasan ang Meralco na mag-refund ng P30 billion ngunit P2.3 billion dito ay hindi pa naibabalik sa mga consumers.

Nangako naman ang COA, na sakaling hingin ng ERC ang kanilang tulong sa pag-audit sa Meralco ay handa silang tumulong.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.