Rescue operations para sa mga homeless sa Maynila, isinagawa

Aabot mahigit 20 indibidwal na homeless, street dwellers, at mga menor-de-edad ang sinagip ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) at Manila Police District (MPD) sa isinasagawa nilang tuloy-tuloy na operasyon sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa ulat na nakarating kay Manila Mayor Isko Moreno – nasa 14 homeless at street dwellers ang ni-rescue ng mga tauhan ng MDSW sa isinagawa nilang reach-out operation sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, kung saan ay nakita nila ang mga ito na natutulog lamang sa bangketa at tabi ng kalsada.

Ang mga sinagip na indibidwal ay dinala ng mga tauhan ng MDSW sa Rasac covered court na nagsisilbing temporary shelter ng mga ito gayundin sa Manila Boystown Complex.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni yorme si MDSW Director Re Fugoso gayundin ang lahat ng bumubuo ng MDSW rescue team dahil sa walang tigil na pagsagip sa mga indibidwal na pakalat-kalat sa lungsod ng Maynila, gayundin ang pagbibigay ng mga ito ng sapat na pagkain at serbisyong medikal habang pansamantala silang nanunuluyan sa Rasac Covered Court at sa Manila Boystown Complex.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.