Resignation ni Morales, tinanggap na ni Pangulong Duterte

Inanunsiyo ngayon ng Palasyo ang pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inihaing resignation ni dating Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Chief Ricardo Morales.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tinanggap ng Presidente ang pagbibitiw ni Morales kaya’t bakante na ngayon ang president post sa ahensya.

Wala pang kapalit na inanunsyo ang Palasyo pero sinabi ni Roque na ilang mga pangalan ang under consideration na pumuwesto sa bakante ngayong posisyon.

Ganunpaman, hindi nagbanggit si Roque na pangalan na ikinukunsidera bilang maging kapalit ni Morales.

Maingat aniya ang Pangulo sa gagawin nitong pagpili na iuupo sa ahensya na dapat ay maging kabalikat sa pagbabalik tiwala sa PhilHealth.

Dapat din aniyang may background sa public health, lalo na’t ipatutupad ang Universal Health Care.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.