Rhian Ramos, ginaya ang viral video ni Cesar Montano! Panoorin!

Umugong sa mundo ng social media ang birthday greeting video ni Cesar Montano kung saan makikita sa background ang babaeng nakahubo’t hubad.

Sa sobrang viral ng video, napag-tripan itong gayahin ng nina Rhian Ramos, Solenn Heussaff at asawa nitong si Nico Bolzico nitong Biyernes.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ramos ang isang maikling video na may caption na: “Just a humble #AllSoulsDay greeting to you all! #GodBless.”

“Hi, and gusto ko pong batiin ng Happy All Souls’ Day ang lahat ng mga patay na patay sa akin. ‘Wag ninyo pong kalimutan na may isang Rhian Ramos na nakaalala sa inyo,” ayon sa aktres sa video.

Sa gitna ng video, makikita si Heussaff na nakasuot ng two-piece bikini na kunwari’y walang alam na kumukuha ng video si Ramos. Ilang saglit lang, lumabas din at nagpakita sa background ang kaniyang asawa, Bolzico.

Matatandaan na noong Oktubre 30, kumalat sa Facebook ang video ni Montano na bumabati sa isang Kagawad Crisanto Morales ng Sta. Ana, Manila para sa kaarawan nito.

Sa kalagitnaan ng video, mapapansin sa background ang isang babae na may kinuhang isang bagay bago pa man mawala sa frame.

Read: VIRAL: Hubad na babae nakita sa greeting video ni Cesar Montano

 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.