Riding-in-tandem ban inihirit muli ni Sec. Panelo

Inihirit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang muling pagbabawal sa riding-in-tandem sa motorsiklo upang mabawasan ang krimen sa Pilipinas.

“Ipagbawal nalang natin yung merong sumasakay sa motorsiklo. Tama lang yung isa lang,” giit ni Panelo.

Ito ay matapos ilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang Tactical Motorcycle Riding Units (TMRUs) at secret marshals sa mga motorsiklo upang paigtingin ang kampanya laban sa riding-in tandem hitmen.

Ayon pa sa Chief Presidential Legal Counsel na kinikilala nito ang mga mag-asawa at mga magulang na umaangkas sa motor.

Giit nito na kailangan ng sakripisyon upang masiguro ang kaligtasan ng nakararami.

“You have to choose between this and that kasi kung hindi bawal yung may kaangkas, e palaging merong ganyan because they can always pretend to be husband and wife, they can always pretend to be husband and son,” ani Panelo.

Dagdag pa nito na kinakailangang dagdagan ang pwersa ng pulisya sa bansa upang mapigilan ang mga krimen.

“Ang katotohanan po diyan, kulang ang mga pulis natin. I think we have to increase the number of policemen in this country,” lahad ni Panelo.

Sa kasalukuyan, mayroong halos 220,000 pulis at tauhan ang PNP.

Layunin din ng PNP na makamit ang police-to-population ratio ng 1:489 sa 2022.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.