Right of access ng mga siklista dapat ipatupad nationwide -Rep. Fortun

Hiniling ni Agusan del Norte Representative Lawrence Fortun sa Inter Agency Task Force o IATF magpatupad ng designated bike lanes sa lahat ng kalsada sa buong bansa at hindi lamang dito sa Metro Manila.

Aniya ngayong may limitasyon sa trnasportasyon ay marami ang pinipili na mag-bisikleta na lamang papasok ng trabaho.

Ayon kay Fortun, ang kawalan ng bike lanes at istriktong pagbabantay at pag-sunod dito ay naglalapit lamang sa mga bikers sa kapahamakan.

“Ito naman ay hindi mahirap kung mamarapatin. Hindi magastos. Ilatag lang ang patakaran. Maglaan ng pera para sa pintura. Ipatupad nang istrikto at i-educate ang parehong siklista at motorista. Kung meron mang bike lanes tayong nakikita, maiigsi at putul-putol. Parang pa-consuelo lang. People using bikes are exposed to extreme danger every time they get out there on the road.” diin ng mambabatas.

Kasabay nito ay nanawagan si Fortun sa mga kasamahan na ipasa na ang Integrated Bike Lanes Bill na layong i-integrate ang bike lanes sa transportation system ng bansa.

Umapela din ito sa mga motorista na magbigay respeto din sa mga nagbibisikleta.

“We appeal as well to motorists to respect bikes we see on the road. I am saddened when I see some motorists blowing their horns loud and long when they see bikes in front of them. Wala man lang respeto sa kapwa. Let’s give way and protect the cyclists because they are the ones more vulnerable on busy roads. Kailangang magbigayan lalo na sa ganitong kalagayan.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.