Robin umatras sa pulitika dahil sa gagastusing P150M

Nasa P150 million daw ang tinatayang magagastos ni Robin Padilla kung itutuloy niya ang pagtakbo bilang governor ng Camarines Norte sa Bicol.

Mismong ang action star na rin ang nagsabi na hindi niya kakayanin ang halagang ‘yon. Kung P20 million lang daw ay puwede pang ipangutang bukod sa pagbebenta ng kanyang ari-arian.

Dahil daw sa laki ng kanyang magagastos if ever kaya hindi na raw niya itutuloy ang unang binalak. Naipangako pa mandin daw niya sa mga taga-Camarines Norte na gagawa siya ng mga magagandang pagbabago roon.

“P150nmillion for a local position, for governor? Teka muna,” ani Robin.

Inihingi niya ng paumanhin ang kanyang pag-atras.

Susog ng asawang si Mariel Rodriguez, doon na raw pumapasok ang pagiging corrupt ng isang pulitiko, na kailangang mabawi ang ginastos kapag nanalo.

Sinang-ayunan naman ‘yon ni Robin, na muli ay nilinaw na hindi siya tatakbo sa 2022 elections, sa pagka-governor o anupamang posisyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.