Robredo di pa desidido tumakbong pangulo sa 2022

Wala pang desisyon si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga plano sa darating na halalan sa 2022 dahil hindi madaling tumakbo bilang pangulo.

Sa isang panayam noong Biyernes, July 23, sinabi ni Robredo na pag-iisipan pa umano niya ang kaniyang mga plano sa eleksyon.

“Very honest ako since the very start na hanggang ngayon wala pang desisyon,” pahayag ng bise presidente.

“Wala pang desisyon kasi madali lang sabihin na kakandidato akong presidente o hindi ako kakandidatong presidente. Pero marami kasing considerations,” dagdag pa niya.

Isa sa mga isinasaalang-alang ni Robredo sa kanyang pag-iisip ay ang kaniyang kasalukuyang pwesto sa mga surveys.

Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia sa pagpili ng magiging susunod na pangulo, anim na porsyento mula sa mga tumugon ang nais bumoto para kay Robredo kung siya ay tatakbo sa nabanggit na posisyon.

“Marami tayong mga supporters na nagsasabi, ‘Kung iyong pag-VP mo nga nag-umpisa ka na 1 percent kinaya mo, puwede namang kayanin pa rin ngayon’…Pero ang daming factors na kailangan i-consider,” paliwanag niya.

Sinabi rin niya na kinakailangan ng maraming mga pinagkukunan ang pagtakbo niya sa pagkapresidente, noong Marso, inamin niya na nahihirapan siyang makapagdesisyon bunsod sa kaparehong kadahilanan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.