Robredo handa sa isa pang face-off kay Marcos sa 2022 polls

Nakahanda si Vice President Leni Robredo na muling makatunggali si dating Senator Bongbong Marcos sa 2022 presidential elections kung sakaling tatakbo siya sa pagka-presidente.

Ito ang anunsyo ni Robredo dalawang linggo bago magsimula ang ‘filing of the certificates of candidacy’ para sa mga nais tumakbo sa 2022 elections.

“Kung ano iyong mapili ng unity ticket, tatakbo ako. Kung ako iyon,” saad ni Robredo.

“Kung one-on-one na Bongbong Marcos, lalaban ako kahit dehado. Kung one-on-one na Bongbong Marcos at saka ako, laban ako.”

Maaalalang nagkalakaban na ang dalawa sa pagka-bise presidente noong 2016.

“Kahit sino ang kalaban, basta ako iyong pipiliin ng anti-admin forces, laban ako,” lahad ni Robredo..

“Iyong pine-prevent ko lang naman na kami-kami maghihiwa-hiwalay. Iyon iyong pine-prevent ko kaya nag-e-exert ako ng effort na pag-isahin lahat.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.