Robredo kay Duterte: Maging tapat sa huling SONA

Umaasa si Vice President Leni Robredo na magiging tapat si Pangulong Duterte sa huling State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

“Maging very honest about iyong situation sa bansa ngayon. Kasi sa panahon ng pandemic, hindi naman kailangan na mag-paint ng napakagandang picture. Ang para sa akin, mas mabuti mas honest assessment kung ano iyong kakulangan, ano iyong problema, papaano natin gagawin, para iyong tao mas na-a-appease siya sa kaniyang mga pag-aalala,” ani Robredo sa isang drive thru COVID-19 vaccination project sa Maynila.

“Mahirap kasi na sasabihin mo all is well pero iyong nararamdaman ng tao iba, ‘di ba. Mas mabuti pang sabihin na nasaan ba talaga tayo. Halimbawa, pagdating ng vaccine supply, nasaan ba talaga tayo? What about job generation?” giit pa ng bise.

Punto ni Robredo na balisa na ang publiko sa pandemya kaya’t umaasa itong maiibsan ng SONA ng Pangulo ang pasanin ng mga ito.

“People are expecting a realistic, honest assessment, ano iyong balak nating gawin para matawid natin iyong mga kahirapan na pinagdadaanan natin.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.