Robredo kinakabahan na nga ba sa resulta ng electoral protest ni BBM? ipinagpaliban ng SC

Ipinagpaliban ng Supreme Court (SC) na umaaktong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pag-aksyon sa electoral protest ni Vice-Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

watch the video here:

Sa halip ay itinakda ang deliberasyon sa kaso sa Oktubre 8, ayon sa source mula sa SC.

Matatandaan na inireklamo ni BBM na nagkaroon umano ng “massive cheating” na nagresulta ng kanyang pagkatalo kay Robredo noong 2016 vice-presidential race ng nasa 260,000 boto, na mariin namang itinanggi ng kampo ni Robredo.

Dito na hiniling ni Marcos na ideklarang void ang pagkapanalo ni Robredo kasabay ng panawagang magkaroon ng recount of votes.

Katwiran ni Marcos, ang election results sa Lanao del Sur, Maguindanao, at Basilan ay dapat na mabalewala dahil sinabayan ito ng kasagsagan ng terrorism, intimidation, at harassment sa mga botante.

Una nang inihayag ng mataas na korte natapos na ang manual recount ng mga balota sa tatlong probinsya  na tinukoy ni Marcos na umano’y matindi ang naging dayaan.

Sakop ng pilot recount ang nasa 5,417 voting precincts sa Iloilo, Camarines Sur, at Negros Oriental.

Ang composition ng high court ay nakatakdang mabago dahil sa pagreretiro ni Chief Justice Lucas Bersamin sa October 18 at Senior Associate Justice Antonio Carpio sa October 26. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.