Robredo makakagulo lang sa pagsama sa drug war ops – Speaker Cayetano

Makokompromiso lamang ang mga gagawing ground operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa sandaling sumama si Vice President Leni Robredo.

watch the video here:

Ito ang idiniin ni House Speaker Alan Peter Cayetano matapos kagatin ni Robredo ang hamon ni PDEA chief Aaron Aquino na sumalang ang Bise Presidente sa mga on-ground operation.

Ayon kay Cayetano, oras na sumama si Robredo sa mga operasyon ng PDEA, malabong hindi ito magbibitbit ng kanyang bodyguards kaya magiging magulo lamang aniya ang mangyayaring operation.

Sinabi pa ng House Speaker na huwag na lamang magkomento si Robredo sa drug war operations dahil hindi naman aniya nakikita ng Bise Presidente ang aktwal na on ground operation.

“She’s in the line of succession, so ‘pag sumama ‘yan hindi puwedeng hindi kasama ‘yung PSG (Presidential Security Group) din, so it will be a little bit messy,” aniya.

“To be with the arresting officers and everything, siguro kulang ang apat, limang PSG na kasama niya, baka ma-compromise din ‘yung operation,” sabi pa ni Cayetano.

“I think the point of all of that is to say, ‘Ma’am, ‘wag ka muna mag-comment [hangga’t] di mo nakikita ang nangyayari on the ground,” aniya pa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.