Robredo nabahala sa naantalang pagdating ng COVID-19 vaccine

Nabahala si Vice President Leni Robredo sa naantalang pagdating ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) na inaasahang dumating nitong nakaraang linggo.

“Nakakabahala talaga kasi lalo na kapag araw-araw pinapanood at saka binabasa natin iyong lahat na mga balita na maraming mga lugar sa buong mundo na nagbabakuna na,” ani Robredo sa radio program nito.

Lahad pa nito na mas nauna pang magbakuna ang mga bansang mas mababa ang kaso ng sakit kumpara sa Pilipinas.

“Halimbawa dito sa Southeast Asia, parang Thailand, kung hindi ako nagkakamali South Korea paumpisa pa lang. Pero sa kanila kasi, Ka Ely, hindi mataas iyong kaso so walang sense of urgency,” giit ng bise.

“Sa atin, Ka Ely, mataas iyong kaso natin, eh, so dapat mas urgent dapat iyong ating response,” dagdag ni Robredo.

Nitong Biyernes, humingi ng paumanhin si vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa naantalang pagdating ng bakuna sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.