Robredo negative sa COVID 19

Negatibo ang resulta ng isinagawang test kay Vice Leni Robredo.

Ayon kay OVP spokesperson Atty. Barry Gutierrez nitong Sabado, sumalang sa swab test kahapon ang bise presidente bilang protocol sa pagtungo niya sa Bicol.

Pero isa sa security officer niya ang nagpositibo.

Matapos ma-expose sa COVID positive niyang staff ay kailangang mag-quarantine ng pitong araw ang pangalawang pangulo.

Pagkatapos ay muli siyang isasailalim sa COVID test.

Sa ngayon ay wala aniyang anumang sintomas ng karamdaman si Robredo at patuloy na magtatrabaho kahit naka-quarantine.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.