Robredo para hindi na matawag na fake VP pinatutuldukan na ang Electoral protest

Mas makakabuti umano kung madedesisyunan na sa lalong madaling panahon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang electoral protest na inihain ni dating senador Bongbong Marcos, ayon kay Vice President Leni Robredo.

watch the video here:

“Actually kami last month nag-file na kami motion for the PET to decide. Sa amin, makakabuti na mag-decide na agad, matagal na naming hinihingi na mag-decide na kaagad,” pahayag ni Robredo sa panayam ng mga reporter nitong Lunes.

“Kasi kapag wala pang decision, nagkakaroon ng platform para gumawa ng mga hindi tamang balita. Gumawa ng mga haka-haka na hindi nakakatulong,” dagdag pa nito.

Nasa Senado nitong Lunes si Robredo kung saan iprinisenta niya ang panukalang P673 milyong pondo ng OVP para sa 2022.

“Kasi ngayon, nauunahan kami ng propaganda. ‘Di ba ang tawag nga sa akin ay fake VP,” sabi ni Robredo.

Kung lalabas na ang desisyon ng PET, maipagpapatuloy na umano niya ang kanyang mga proyekto na wala nang anumang balakid.

“At least kung may decision na sana, matutuldukan na ang lahat ng pangamba, ang pag-aalinlangan sa kung ano ba talaga ang nangyari nung 2016,” ani Robredo.

“Kapag natuldukan ito, mas buwelo na rin kaming gawin kung anong gusto naming gawin,” dagdag pa

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.