Robredo, suportado ng 200 grupo

Nangako ang nasa 200 na mga volunteer groups na susuportahan nila ng buo si Vice President Leni Robredo kung pipiliin nitong tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 poll.

Sa isang online event nitong Lunes, Agosto 30 na tinawag na “Kay Robredo, Taumbayan ang Panalo: The People’s Convention” iba’t ibang mga grupo ang nagpahayag ng buong suporta para sa kanya.

Idiniin rin ng mga grupo na maraming Pilipino ang natulungan sa mga programa ni Robredo.

Ito ay sa kabila pa umano ng kulang na budget na inilaan sa Office of the Vice President, nagawa pa umano niyang makatulong sa mga frontliners at mga apektado ng pandemya.

Nangako rin ang mga grupo na tutulungan si Robredo na kumbinsihin ang iba pang mga tao na suportahan ang presidential race.

“Malay mo, it will be like what happened last time. The last man standing is a woman — and look how much good that woman did for us,” sinabi ni Rammy Bitong, isa sa mga host ng online event.

“Wala po kaming ibang hangad kundi mabigyan ng tamang representasyon sa gobyerno. Walang ibang may potential na kandidato tumulong at tutulong sa atin kundi si Leni Robredo lang,” dagdag naman ni Joselito Llesis, isang batang lumad.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.