Robredo tinanggihan ang imbitasyon ni Trillanes sa pagpupulong para sa 2022 elections

Sinabi ni dating senator Antonio Trillanes IV na tinanggihan ni Vice President Leni Robredo ang imbitasyon nito para sa isang pagpupulong upang pag-usapan ang plano sa eleksyon sa susunod na taon.

“Simula January, ako/Magdalo, and later on through Tindig Pilipinas, ay nagrerequest ng meeting kay VP Leni para nga masimulan na ang preparation. Subalit, AYAW NYA kaming i-meet dahil kasalanan daw sa Diyos na pag-usapan ang 2022 elections habang may pandemya,” saad ni Trillanes sa isang Facebook post.

Ito ang naging pahayag ng dating senador matapos maiulat na nakipagkita si Robredo kina Senators Panfilo Lacson at Richard Gordon.

“Meron lang siyang representative na pinapakausap sa akin. As to texting directly, for security reasons di rin ito pwedeng gawin. Tapos malalaman namin na sina Nonoy Andaya, Ping Lacson, at Gordon ay mineet nya,” lahad nito.

Una nang pinatutsadahan ni spokesperson Barry Gutierrez si Trillanes na dapat idaan na lamang ang usapin sa pamamagitan ng mensahe at hindi sa isang tweet.

Nilinaw din ni Gutierrez na ang pagkikita ay hindi nagkakahulugan ng pagsuporta o pag-alyansa ng bise sa mga ito.

Una nang sinabi ni Trillanes na hindi susuportahan ng Magdalo group si Lacson sakaling iendorso ito ni Robredo.

Samantala, kinumpirma nina Lacson at Gordon na napag-usapan sa pagkikita ang eleksyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.