Robredo, wala pang desisyon sa 2022 elections

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na wala pa itong desisyon sa pulitika para sa halalan sa 2022.

Ngunit iginiit ng pangalawang pangulo na huwag din itong pangunahan sa kanyang magiging desisyon.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na tatakbo itong pangulo sa darating na halalan kasunod ng mga balitang tatakbo bilang gobernador ng Camarines Sur ang lider ng oposisyon na si Robredo.

Una na rin itong itinanggi ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez dahil bukas pa rin aniya ang pangalawang pangulo sa anumang opsyon.

“I can run as president, governor, congressman. I can even run as mayor like before, or I won’t run at all, since that’s what my daughters want. But I can’t think about that yet because we’re so busy with the pandemic,” pahayag ni Robredo

Ayon kay VP Leni Robredo, bagama’t nakikita niyang ‘attractive’ ang pagtakbo sa lokal na posisyon ngunit hindi pa rin aniya niya isinasara ang opsyon na tatakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.