Ronald Cardema balik youth commissioner – DILG

Binunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na commissioner na uli ng National Youth Commission (NYC) si Ronald Cardema.

“Yes, he’s back but as commissioner of the NYC,” pagkumpirma ni Malaya sa GMA.

Ayon kay Malaya, nasa ilalim ng DILG ang NYC.

Magugunitang idineklara ng Comelec First Division na hindi kuwalipikado si Cardema bilang Duterte Youth nominee dahil sa pagiging overaged.

Edad 34 na siya nang tumakbo noong May elections.

Matapos ang ilang buwan na pakikipaglaban sa legalidad ng congressional bid niya ay umatras si Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth.

Sa ilalim ng Party-list System Act, dapat edad 25 hanggang 30 lang ang isang youth sector party-list representative.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.