Russia, bukas na mag-manufacture ng anti-Covid-19 vaccine sa Pilipinas

Bukas ang Russia na i-manufacture dito sa Pilipinas ang anti-COVID-19 vaccine nila na Sputnik V.

Sa pulong ng House Committee on People’s Participation sinabi ni Tatiana Shlychkova, Minister-Counsellor at Deputy Head of Mission ng Russian Embassy, binigyan nila ang Pilipinas ng tatlong opsyon upang makakuha ng bakuna.

Una na dito ang pagbili ng bakuna, ang isa at ang pakikibahagi sa clinical trial, o kaya naman ay magkaroon ng local manufacturer ng bakuna dito sa bansa.

Sakaling piliin ng Pilipinas na magkaroon ng local manufacturing dito ay handa rin aniya silang ibahagi ang kanilang teknolohiya.

Ayon naman kay Vladislav Mongush, first secretary ng Russian Embassy, nagkakaroon na ng palitan ng impormasyon sa pagitan ng ating Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) at kanilang Russian Direct Investment Fund.

Nasa kamay na umano ng Filipino experts ang pag busisi sa mga dokumento at research ng Gamaleya Research Institute hinggil sa bakuna at kung papayagan ang paggamit dito.

Ayon kay PCHRD executive director Dr. Jaime Montoya, nasa 10,000 na Pilipino ang makikibahagi sa third at final phase ng clinical trial ng Sputnik V.

Oras na matapos aniya ang phase 3 ay saka pa lamang maaaring irehistro dito ang bakuna.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.