Russia kumpiyansa sa covid-19 vaccine trial sa Pilipinas

Kumpiyansa ang Russia na sila ang gagawa ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) para sa clinical trial sa Pilipinas.

“As far as I know, Russia is the only country in the world which offers to jointly produce its vaccine here in the Philippines,” saad ni Russian Ambassador Igor Khovaev.

“It means that we are ready to share our technology. Why? Because we don’t just want to come to your country, sell our vaccine, and go,” dagdag pahayag pa nito.

Sa kasalukuyan mayroong 40 bansa ang nagpahayag ng pakikiisa sa Russia sa pagpuksa sa COVID-19.

Samantala lumagda na sa kasunduan ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Brazil.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.