Russia, nakalikha na umano ng COVID vaccine at nagpahayag ng kahandaang mag-supply sa Pinas

Handang mag-supply ang Russia ng COVID vaccine sa Pilipinas kasunod ng umanoy pagkakaroon na nito ng bakuna kontra corona virus.

Ayon kay Chief Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, naka-develop na ng epektibo at ligtas na vaccine ang Russia ayon na rin kay Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev.

Inihayag ni Panelo na kumpleto na din ang bureaucratic procedures at pagkatapos nito ay ihahanda na ang industrial facilities para sa paglulunsad ng mass production ng pinakahihintay na vaccine.

Nag-aalok na aniya ang Russia na ayon kay Panelo ay hinding-hindi naman tatanggihan ng pamahalaan.

Maaari ba naman aniyang hindi tayo maging bukas sa anomang klase ng alok gayung sa totoo ay naghihintay at nakapila na tayo sa kaninomang bansa na makapagde-develop ng COVID vaccine.

Kaugnay nito, lumabas ang ulat na ipinahayag umano ng Russia’s deputy health minister na baka mairehistro na ng Moscow’s Gamelei Center ang kauna-unahang coronavirus vaccine bukas, August 12.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.