Sa pagsapit ng Nobyembre mas matinding traffic ang mararanasan.

Nagbabala si Caloocan City Representative Edgar Erice sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa Department of Transportation (DOTr) na lalala pa ang traffic sa Metro Manila pagpasok ng Nobyembre.

Ayon kay Erice, kung matindi na ang nararanasang traffic ng mga commuter at mga motorista ngayon ay asahan pa ang worst traffic situation pagsapit pa lamang ng unang linggo ng Nobyembre.

Ito aniya ay dahil sa nalalapit na Southeast Asian games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30, at ang Christmas rush sa papalapit na Disyembre.

Dahil dito, muli na namang itinutulak ni Erice na ipagbawal tuwing rush hours ang mga private vehicle sa EDSA.

Paliwanag ni Erice, ito lamang din ang mabilis at epektibong paraan para matulungan ang mayorya ng mga commuter ngayong Christmas season.

Una nang umani ng negatibong komento mula sa mga private car owner ang suhestiyon ng kongresista, dahil saan naman sila dadaan kung EDSA lang talaga ang ruta ng biyahe at hindi naman maayos ang public transport sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.