San Juan Mayor Zamora, planong magkabit ng bollards sa bike lanes bilang proteksyon sa mga nagbibisikleta

Kasabay ng selebrasyon ng World Bicycle Day ay pormal nang inilunsad ngayong araw ng San Juan local government ang “pop-up bike lanes” na bahagi ng “new normal” sa lungsod.

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang programa na gumamit pa ng bisikleta para subukan ang ruta ng bagong bike lanes.

Ayon sa alkalde, layon nitong bigyan ng mas ligtas na transportation option ang mga frontliner at iba pang manggagawa na balik trabaho na sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Sakop ng Phase 1 ng Bicycle Lane ang kahabaan ng N. Domingo hanggang Ortigas Avenue.  May haba ito na 4.21 kilometers kung saan kabilang sa ruta ang San Juan Medical Center, San Juan City Hall, at Greenhills Shopping Center.

Sa ngayon ay mga plastic barriers pa lamang at dilaw na pintura ang nakalagay sa Bike Lanes ngunit plano ng alkalde na mag-install ng permanenteng bollards para matiyak ang kaligtsan ng mga biker sa lungsod.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.