SAP Bong Go naging emosyonal bago magfile ng COC bilang senador

 

Special Assistant to the President Bong Go, dumaan muna sa St Michael’s Church sa loob ng Malacañang compound bago pumunta sa Comelec para maghain ng COC.

Naiyak matapos magdasal at nalulungkot sa panibagong desisyon sa buhay dahil mapapalayo kay pangulong duterte.

Inanunsyo na rin ni SAP Bong Go ang desisyong pagtakbo sa pagka-senador sa mid-term election 2019.

 

Sinamahan ni Pangulong Duterte ang paghahain ni Bong Go ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections sa pagka-senador para sa 2019 midterm elections.

After months of contemplating and conferring with people that the President and I trust, today I have finally come to a decision. I am running for public office.

Like my mentor, I would like to serve the people. Like the President, I would like to put the nation and the people first. We will continue to strengthen the fight against corruption, against crime and criminality, and against illegal drugs.

 

Ako po ay nagpapasalamat sa Diyos dahil natutunan ko kay Pangulong Duterte kung ano ang tunay na malasakit at serbisyong publiko. Dalawampu’t tatlong taon akong nanilbihan sa kanya, at ang karunungan ko ngayon ay utang ko rin sa kanya. Dahil kay Mayor Rody, lalong naging malawak at malalim ang aking pang-unawa.

Ngayon, gusto kong pasalamatan ang mga kababayan natin at ang ating Pangulo. Nais ko silang tulungan upang maipagpatuloy at mas mapalakas pa ang boses ng mga taong naghahangad ng tunay na pagbabago sa bayan.

Naniniwala po ako na kailangan ng Tapang at Malasakit sa Senado. Magsusulong tayo ng mga panukalang batas dahil gusto kong maging mas ligtas at mas komportable ang buhay ng bawat Pilipino.

Sana po ay samahan nyo ako sa paglalakbay na ito. Nawa’y gabayan tayong lahat ng Panginoon. Maraming salamat at mabuhay po tayong lahat!

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.