SAP na ipamamahagi sa mga ECQ affected individuals, aprubado na ni Pangulong Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng supplemental amelioration program o iyong assistance ng pamahalaan sa mga indibidwal na apektado ng ipinatutupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal (NCR+ bubble).

Sa public address ng pangulo, sinabi ni Budget Sectary Wendel Avisado na nasa 22.9 million individuals ang target mapaabutan ng tulong ng pamahalaan.

Mayroon aniyang P23 billion na unutilized fund sa ilalim ng Bayanihan II na maaring magamit ng pamahalaan para sa assistance na ito.

Ayon kay Secretary Avisado, nasa P1,000 worth na assistance in kind ang ibibigay ng pamahalaan per indiviual. At hindi naman hihigit sa P4,000 worth of assistance in kind, kada pamilya.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), upang matiyak na magiging maayos ang implementasyon ng pamamahagi ng assistance na ito.

Samantala, inanunsyo rin ni Pangulong Duterte na simula sa Abril 1, ang Quirino Province ay ipasasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang April 15.

Habang ang Santiago City, Isabela naman ay hanggang April 30, 2021. General Community Quarantine (GCQ) naman ang iiral sa Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur.

Ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) naman sa NCR+ bubble ay mananatili hanggang April 4, at muling ibabase sa datos at pag-aaral, ang susunod na community classification.

“That is March 29 until April 4 ang kanilang, subject to review.” pahayag ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.